"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas" (-My Entry for The Contest of @jassennessaj-)

in wordchallange •  7 years ago  (edited)

Author's Note: It's been so long since I wrote a Filipino poem so I do not expect that I could do it to Mr. @jassennessag's satisfaction. But I hope, magugustuhan niyo ang tulang ihahandog ko sa inyo.


"Word Poetry Challenge #1 : Larawang Kupas"

Bumalik sa baybayin ang alaalang nakalimutan
Tinangay ng hangin ang mga tagulamin ng kasalukuyan
Naaalala mo ba ang bagay na iyong niluksuhan?
Ibig kong sabihin, mga alaalang kinalimutan.

letter in a bottle on the beach.jpg

Nakatayo ka na naman sa bangin ng realidad
Bakit kaya tumutulo ang mga luhang maluwalhati
Kay puti pala ng langit sa itaas, hindi ba?
At ngayon mo lang talaga ito nalaman.

cliff_001_by_neverfading_stock.jpg

Pumunta ka sa pamilihan upang lisyain ang kasalukuyan
Bumili ng bulaklak upang wastuhin ang kulturang iniwan
Ang iyong looban ay lubagin sapagkat ikaw'y nakalimot
Walang bagay ang gusto sa lupaing makakalimutin.

flower.jpg

Sa dami ng mga bata sa mundong nilikha
Bakit kaya ikaw ang pinili ni Bathala
Kailangan pang lubiran ang iyong pulso upang hindi malimutan
Upang hindi malimutan ang inang pinanggalingan

Ikaw ay naglalakad na sa sementeryo ng kalungkutan
Lulusubin ang iyong puso ng mga hinanakit ng nakaraan
Luwalhatiin mo ang kamatayan ng iyong mahal
Sa pamamagitan ng simpleng bulaklak ng kapatawaran.

sementeryo.jpg

Ngayon ay Mayo, Araw ng mga Ina
Hindi mo lang man magawang bisitahin siya
Sa loob pa talaga ng maraming taon
Ang iyong ina ay isang larawang kupas na.

Isa-isa pumapasok ang mga alaala sa iyong isipan
Ang masarap na luto ni ina, ang mga turo ni ina
Mga sabi ni ina na laging sinusunod
Ang mga masasakit na palo ni ina.

Ngunit, ano na? Wala na siya
Makakagawa ka pa ba ng mga ganoong alaala?
Oo makakagawa pa
Kung magagawa mong tagalin ang mantsa sa larawang kupas na

Umiyak ka sa harap ng puntod niya
Hindi na malinis ang pangalan na kaukit sa tabla
Kaya ginamit mo ang iyong luha para linisin ang mantsa
At malungkot mong sinabi ang salitang patawad.

Ang bulaklak na iyong binili ay inilagay mo sa tabi ng puntod niya
Doon buhay na buhay tingnan ang bulaklak mong walang gana
Nabuhay ang iyong puso at nangako ka
Nangako kang mula ngayon at magpakailan man lagi mo siyang maaalala

Kahit na isa nalang siyang larawang kupas na.


Sources of the Following Images:

For the bottle on the seashore: https://videohive.net/item/letter-in-a-bottle-on-the-beach/1988984

For the beautiful cliff: https://neverfading-stock.deviantart.com/art/Cliff-001-119463764

For the flowers: https://www.prestigeflowers.co.uk/next-day-flowers/blue-lagoon

For the sementeryo: https://buhiforum.wordpress.com/2015/11/19/sementeryo-sa-tambo-kinauno-mapalubngan/

"Copyright Disclaimer, Under Section 107 of the Copyright Act 1976, allowance is made for 'fair use' for purposes such as criticism, comment, news reporting, teaching, scholarship, and research. Fair use is a use permitted by copyright statute that might otherwise be infringing. Non-profit, educational or personal use tips the balance in favor of fair use."


Do not forget to upvote! ^_^

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!