Ikaw nga ba ay nasa dulo ng lagusan?
Ba't kay layo, hakbang walang katapusan.
Kahit bukas yaring mata,
Parang wala akong nakikita.
Gusto kong maniwala na may hantungan,
At ng liwanag ay maranasan.
Bago tuluyang malunod sa luha,
dito sa rehas kong gawa-gawa.
Hinayaang tumakbo ang araw,
napakalayo bawat tanaw.
Habang nakakubli sa sulok,
Sa panahong pagod at lugmok.
Hanggang luha ay tumila,
Ubos na yaring batterya.
Dahil di na kaya, ako ay sumigaw.
Sa dilim tanging boses umaalingawngaw.
Tila sila'y nabulabog sa aking hiyaw,
mga alitaptap nagsilbing ilaw.
Akala ko nuon talo na sa laban,
Ngunit mga angel ako'y sinabayan.
Hinatid ako sa dulo ng lagusan,
at duon yumakap sa akin ang liwanag.
Unti-unting bumalik ang lakas,
lubos aking pasasalamat, at lumaya na rin sa wakas!
Ang paglaya sa anumang bigat na nararamdaman ay malalabanan kung ito ay kaya nating tanggapin. Ang pagtanggap ang siyang mahirap sa una. Hangga't di natin to magagawa, mahihirapan tayong lumaya. At mas gagaan ito kung may lakas tayong ibahagi ito sa iba. Ito ay aking lahok sa patimpalak para sa linggong ito na gawa ni @jassenessaj. Paki-click ang link na ito para sa karagdagang impormasyon. Word Poetry Challenge #:12
Nice one phin...'kala ko nakalimutan mo na naman ang tema...nasa dulo lang pala. Lol...
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
salamat @chameh..
nako ang tagal mabuo yong tula..nakakatulala..
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit