photo credit to:newsinfo.inquirer.net
'BAGYO'
by @amayphin
Nagsimulang magdilim ang kalangitan
hudyat ng parating sa inaasahan
Hinulaan, at tanging hula na tumutugma
asa ka pa, magaling na ngayon ang PAG-ASA.
Kung ikaw may tiwala sa mirakulo
higpitan ang pananampalataya
Dahil ika nga, walang imposible sa Diyos
baka ito'y matunaw bago dumating sa lupa.
Huwag ding kalimutang maghanda
'wag mag-baliwala
Pagkain, tubig, gamot at iba pa
itali ang bubong at mga bintana.
Mapapatanong ka na lang
kung bakit parati nalang tayo
Ilang hagupit na ba ang nararanasan mo?
'Di ko na rin mabilang
Tanggap ko na, daan tayo ng bagyo.
Dilibyung natural, galit na kalikasan
Siguradong 'di ko matatakasan
Diyos ba ang may gawa?
O kagagawan ng tao?
Wala man akong laban dito
Gaya ng pagdurusa sa 'king buhay
Humagupit ka man nang malaya
Kahit subukin mong itumba ako
Mananatili parin ang paniniwala
Sa aking Maylikha.
'Pagkat alam kong may katapusan at bukas
Ako'y maghihintay na langit ay umaaliwalas,
Na mapapagod ka sa katatakbo
at tuluyang ikaw ay lumayo at maglaho.
Magandang araw mga kaibigan. Ito ay lahok sa patimpalak na gawa ni @jassennessaj sa linggong ito. Salamat sa pagbasa. Naway kayo ay ligtas nong kasagsagan ng bagyo. Ang masasabin ko lang na malaki ang tulong ng pagdadasal sa anumang bagyong dumating, ito may mga problema sa buhay o dulot ng kalikasan. Maraming salamat.
Ito ay ang mga nagawa kong tula sa nakaraan:
ENGLISH | TAGALOG |
---|---|
Home | Kalayaan |
Sunset | Pagsubok |
Memories | Bangungot |
Time | Simbahan |
Cross that Bridges | Aking Ina |
The Commuter | Watawat ng Pilipinas |