Wordchallenge No.19|"ULAN"|Tagalog Edition

in wordchallenge •  6 years ago  (edited)

Emo time! Ito ang aking lahok sa patimpalak ni @jassennessaj sa linggong ito. Kung mahilig kayo sa tula, habol na sa pagsumite.
Ito yong link: Word Challenge #:19|Tagalog Edition


textgram_1540715411.png
Photo by 123RF.com

U L A N

Pagmamasdan lang sana ang ulan
Habang tumatagaktak sa bubungan.
Nahulog mula sa balisbisan
Salo ng kamay, sinusubukang hawakan.

Mga halik nito sa bukas na palad,
Tila kalungkutan nahuhubad.
Humahakbang mga paa palabas.
Sinasabayan ang pagsayaw ng mga bulaklak.

Daan-daang butil na nahuhulog
kasabay mga lagas na dahon natatapik,
At sa tangkay bumibitaw ng kapit,
Sabay lumilikha ng himig sa yerong manipis.

Pagmamasdan ko lang sana ang ulan.
Ngunit mga luha 'di mapigilan.
Nakikipagsabayan sa pagbugso,
Na parang wala ng katapusan.

Kaya pinipili ko ang lumabas sa daan,
Upang mga mata ay mahugasan.
Sumasayaw sa himig niyang dala,
Hanggang pareho silang tumila.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

nice naman po :)

hi raven, salamat! sali kana din.

Ka hanga-hangang tula. Good luck ! :)