"Word Poetry Challenge #8 : Tagpuan"

in wordchallenge •  7 years ago 

other-romantic-place-fysbwi-secnery-park-nature-trees-beanch-pictures-for-desktop.jpg

Pinagkunan ng Larawan


text.gif


Maya't maya ang tingin sa orasan malapit nang maduling,
Atensyong hindi malaman kung saan ko ba ibabaling,
Mapawi ang inip na sa puso'y nanggagaling,
Nananabik na makita ka, Saan ka ba galing?



Ilang oras sa ating tagpuan ako'y naghintay,
Biglang may tumawag muntik na 'kong mamatay,
Ikaw daw ay natagpuan sa kalsada'y nakahandusay,
Naaksidente sa motor, nag aagaw buhay.



Agad akong tumungo sa ospital kung saan ka dinala,
Habang ang luha patuloy ang pagdaloy sa aking mata,
Nakita kita nakaratay, kalagayan mo'y malala,
Napatulala ako at hindi nakapagsalita.



Lumabas ang doktor, sakin ay lumapit,
Kinabahan ako at mata'y ipinikit,
"Ginawa namin ang lahat", ang tangi nyang nasambit,
Mundo ko ay gumuho, puso'y napuno ng pait.



Sa dati nating tagpuan ako ay bumalik,
Kung saan natikman aking unang halik,
Sa bawat araw sa iyo ay nasasabik,
Sigla ko'y hindi na muling manunumbalik.



Sa iyong libing ako'y humiling,
Kahit di tanggap di ka na makapiling,
Gabayan mo ako at tulungang gumaling,
Hilumin ang pusong sayo'y nahumaling.


Ito ang aking ikatlong subok sa paggawa ng tula para sa "Word Poetry Challenge #8". Tema : "Tagpuan" | Tagalog Edition na inorganisa ni Ginoong @jassennessaj.


text (1).gif


annazsarinacruz_footer.png

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Napakalalim ng iyong hugot kabayang @annazsarinacruz..talagang masakit ang mawalan ng minamahal..patuloy lang po sa pagsulat.😊

Salamat Kabayan @blessedsteemer
Isa po itong kathang isip lamang at hindi hango sa tunay na pangyayari :)

Maraming salamat sa Pagbasa :) Sana po nagustuhan nyo ang aking akda.
Mabuhay po Kayo!

Karangalan ko kabayan @annazsarinacruz! Sana isa po kayo sa manalo.😊

Sana nga po pagpalain :)

Huhu ang lungkot. Sobrang sakit. Lalim niyan sis ha. Hehe goodluck sating dalawa! <3

Salamat Sis! Likewise 😘

Galing sis...nakakaiyak din .malalim ang pinaghugutan...goodluck sa ating lahat😊

Salamat mem ♥ Best of Luck po ♥♥♥