Word Poetry Challenge #14: Realisasyon

in wordchallenge •  6 years ago 

image

REALISASYON

Nabibighani sa 'yong talino't kakisigan
Parang nagagayuma at tinatamaan
Iwinawaglit ang tunay na katayuan
'Di alintana kung anong naghihintay sa kinabukasan


Nakausap lang kita, ako'y natutulala na
Kakaiba kasi ang alindog mong dala
Biglang naglaho ang sakit na nadarama
Dulot sa isang pangyayari nito lang makalawa


Masakit na ala-ala sa nakaraan
Nang makilala ka ay biglang naiintindihan
'Di lubos maisip ang s'yang nararamdaman
Biglang napapawi ang sakit nitong kalooban


Naging masaya ako sa piling mo
Hindi naisip na panandalian lang pala ito
Ninanais lang na makasama ka hanggang sa dulo
Pagsubok ay haharapin, lalagpasan kasama mo


Sa isang idlap bigla kang sumuko
Sa mga hamon sa buhay ika'y nagpatalo
Mga pangarap natin ay waring naglalaho
Gusto mong ipagpatuloy ang buhay na wala sa piling ko


'Di makatarungan na ako'y iyong iiwan
Realisasyon na kailangan laging tatandaan
Pagmamahal ay hindi sapat upang mapanindigan
Pagtututol ng pamilya ay kay hirap labanan


Tanong ng isip, ano ba ang nangyari?
Bigla na lang isip mo'y 'di mawari
Masaya tayo kahapon, lungkot naman ang kapalit sa ngayon
Dahil sa ipinaalam mong naging desisyon


Ganun na lang ba kadali sa 'yo ang makalimot
Masasayang araw natin, ngayon ay naging masalimoot
Iniwan ang pusong luhaan at puno ng poot
Ang tuwa ay naging hitik ng paghihinagpis na ikaw ang siyang nagdudulot


Ngunit pipilitin kong bumangon at ipagpatuloy ang buhay
Alang-alang sa pagmamahal ko sa'yo na tunay
Hangad ko ang iyong pagtatagumpay
Sana maabot mga mithiin mo sa buhay


Nandito lang ako, naghihintay sa 'yong pagbabalik
Sa mga yakap mo't halik ako'y nasasabik
Nais ipadamang muli pagmamahal na wagas
At magsasama tayo hanggang sa wakas


Always remember that there are times when things are falling apart, they may actually be falling into place. So let's see what lies ahead. 🙏💕

Salamat po sa patuloy n'yong pagsusuporta nitong aking akda. Sana'y inyong nagustuhan .

Hanggang sa muli... image

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Napakaganda at punong-puno ng buhay. Ramdam ko ang mensahe ng tula @chameh. Ako'y masaya dahil ito'y naisumite sa paligsahang #wordchallenge na nasa ika-apat na buwan nang nagpapatuloy na nanghihikayat sa mga Pinoy Steemians na maglahatla ng mga tula sa Steem Blockchain.

Isa itong karangalan @chameh na maging parte ito ng paligsahan.

  ·  6 years ago (edited)

Maraming salamat Ginoong @jassennessaj. Ako'y natutuwa at iyong nagustuhan ang aking akda.. Ingat ka lagi at God bless po sa inyo...

9lk2puivgm.png