"Word Poetry Challenge#3: Gintong Medalya"

in wordchallenge •  7 years ago 

" Gintong Medalya"

Sa bawat pawis na pumapatak
Ang karunungan ay tumatatak
Sa hirap ay araw araw sumasabak
Para sa tagumpay na inaasam ng lahat

Talentong ipinagkaloob ng maykapal
Pinapaunlad ng karanasan
Bawat patimpalak na sasalihan
Tibay ng loob ang inaasahan

Bigo ma'y nakakapit sa balikat
Pinipilit paring makaangat
Iyak ng pagsuko ay pigil ni Inay
Tatayong muli para sa kanyang pagpupugay

Susubok muli para sa kanyang pagkaway
Dalawang lakas ang inalay
Sinungkit ang asam na tagumpay
Sabay sigaw ng, para sayo ito inay

Hiyaw at palakpak ay isinantabi
Inakyat ang inspirasyon ng nakangiti
Hawak ang gintong medalya tungo kay inay
Halik at yakap ang kasabay

shutterstock-439186762.jpg

pinagkunan ng larawan:

Isang napakaganda at masiglang araw sa inyong lahat. Ang tulang ito ay akin pong obra at ito po ay lalahok sa patimpalak na ginawa ni @jassennessaj para sa kanyang Word Poetry Challenge. Unang una maraming salamat sa patimpalak na ito @jassennessaj at naway magpatuloy pa ito at maka sungkit ng atensyon sa mga makatang pinoy.
Salamat sa suportang ibinigay nyo sa tulong hinandog ko

MABUHAY STEEMIT!!!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!