"Word Poetry Challenge #9 : Maskara"

in wordchallenge •  7 years ago 

PSX_20180704_224248.jpg

Mga matang napakapungay,
Tila mga bituing nagpupugay.
Mga ngiting hindi nawawaglit,
Kahit puso'y puno na ng sakit.

"Paano ko kakayanin ito?"
Bulong sa isipan ko.
"Umarte kang kaya mo!"
Pagkumbise ko sa sarili ko.

May ngiti sa mga labi,
Ang aking naging pagbati.
Pighati ng kahapon akin ng nabawi,
Ito na ba ang dulo? Ako ba'y nagwagi?

"Hindi mo man sambitin, ito'y alam namin."
Mga katagang binitawan nila sa akin.
"Walang dahilan para ilihim, kami'y iyong kakampi."
Nang aking marinig, alam kong hindi pa ako nagagapi.

Ewan ko ba kung bakit ako'y ganito.
Naglalakas lakasang pilit ano?
Damdaming buong tapang itinatago.
Tila problema ng mundo'y sinasalo.

"Pwede namang sumuko" may nakapagsabi sa akin.
"Sumuko? Wala 'yon sa bokabularyo ko." aking inamin.
"Isuko ang sakit nang makapagsimula muli" wika nyang may ngiti.
At nang marinig ang bawat salita, dali-daling ako'y nagdesisyon. "Bitaw na, ito na ang simula."


Nais ko lamang linawin na wala akong sama ng loob at hugot sa aking tula. 😂 Nagagalak akong sumali sa patimpalak ni @jassennessaj. Ito'y isang magandang oportunidad upang mapalaganap at matuloy maipagyaman ang wikang Filipino. Maraming salamat!! Kung nais ninyong lumahok sa kanyang patimpalak, maari nyong basahin ang mga tuntunin dito na may temang "Maskara".


IMG_20180116_235645.JPG

Thank you for reading! ✨

-Dy


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ang ganda ng tula, Dy. Tsaka nagustuhan ko yun estilo mo na may pabulong, parang nagiging trademark mo na yun a hehe. Ang inspiring din ng pangwakas. Panalo!

Hahahaa pag tagalog talaga laging may pabulong kasi lagi kong kinakausap sarili ko. Hahahaha!! Wushu. Salamat!

Ay waw sumali. Hahaha. Ayoko tumula... Tumutula lang ako pag may hugot or pag trip ko. 😂😂😂

Posted using Partiko Android

Hahahaha wala kasi ako maisip ipost eh hahahahaa

Posted using Partiko Android

Ayus yun timpla ng hugot at inspirasyon, ate Dy. Akala ko kung ano na ang isusuko, ayun naman palang mga sakit na bitbit pa rin. Ang galing ng tula at ang lakas maka-inspire.

Huy Junjun! May utang pa ako sa inyo. Hahahaha. Salamat! Matindi kasi pinagdadaanan ng lola mo. Lol. Pero salamat!


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Maraming salamat!!!

Posted using Partiko Android

Napaka positibo naman ng iyong tula kabayan! Nakakagoodvibes! Salamat sa pagsali! Goodluck po. 😊

Salamay kabayan!!! 😊

Posted using Partiko Android