Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya

in wordchallenge •  6 years ago 

medal-390549_1280.jpg
Credit

Pilit na pagngiti, luha'y nangingilid,
Sa puso'y nagbubuno nang walang patid,
Hapdi, pag-asa, pait at pananabik,
Asam lang ang 'di tiyak mong pagbabalik

Walang humpay ang pagsabog ng pangamba,
Bawat panaginip ay pagkabagabag,
Laban ng bayan ang iyong dinidigma,
Bunga ng pag-ibig, aking nililimbag

Ngunit mahal ko, ano itong pasakit?
Sundalong umalis, kahon ng bumalik,
Sa iyong paglisan, pabaon ko'y halik,
Pag-uwi, gintong medalya ang kapalit?

At sa ating bagong silang na panganay...

Sapat ba ang gintong medalyang sinukbit,
Bilang tugon sa bawat tanong at bakit?


Salamat sa pagbasa ng aking tula. Ito ay ginawa para sa Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya.

May 22, 2018 - 7:40 AM.


emdesan (1).png
received_1899007856785127.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

this post is support by steemitdavao group

Ouch.... Sakit..

Saklap sir...

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

soldier be like, awesome poem

You just received a Tier 0 upvote! Looking for bigger rewards? Click here and learn how to get them or visit us on Discord

Buhay sundalo :( kaya nga hindi ako ang sundalo 😢

Nice poetry

Hindi ko inasahan ang lalim at kakaibang anggulo sa "medalyang" tema dito sa tula. Durugan po ang puso ko.😢

Salamat sa inyong komento!