Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha para sa #wordchallenge na may Temang : "Kalayaan". Ito'y hindi isang opisyal na entry. Kung nais ninyong sumali sa paligsahan, narito ang mga opisyal na links :
Word Poetry Challenge #12 : "Kalayaan" | Tagalog Edition
Word Poetry Challenge #10 : "Smile" | English Edition
"Kalayaan"
Malayang maigalaw ang nais nating mangyari
Maglakbay kung saan man gustong tumungo
Magpunta at maglakad kahit saan mang dako
Lahat tayo ay nais maging maligayang buo
Pero hindi natin dapat ipilit ang ating gusto
Hindi "kalayaan" kung labag ang kagustuhan ng isa
Kung pinipilit mo lang ang nais ng iyong nadarama.
Tayo ang may akda sa sarili nating buhay
Tayo ang nagkakabit sa sarili nating tulay
Walang sinuman ang pwedeng magdikta
Magdikta ng gagawin o kayay mang-impluwensiya
Wag mo sanang kalimutan sa relasyon ay hindi lang isa
Hindi lang ikaw kundi dalawa ang may nadarama
Hindi mo mapipilit sa tao kung hindi na siya masaya
Papayag kabang ikaw ay masaya habang siya ay nagdudusa?
Sana ang lahat ng nangyari ay maintindihan
Maintindihan na ito'y dahil tayo ay may "Kalayaan".
Kalayaang gumawa sarili ng nating desisyon
Dahil ito ang dikta ng ating emosyon
Walang iniwan at walang nang-iwan kung iisipin
Dikta ito ng puso kung ano ang dapat gawin
Maging masaya dahil nahanap ang tunay na kaligayahan
Kaya sana naman ang "kalayaan" ay wag pigilan