"Watawat ng Pilipinas"
Ito'y sumisimbolo
Sa pagkakaisa ng bawat pilipino
Isang watawat
Kung saan nagkakaisa ang lahat
Watawat ng ating lupang sinilangan
At ng ating kinalakihan
Ay dapat ating pahalagahan
At ating ipaglaban
Sa mga taong sumisira
Sa imahe ng ating bandila
At sa mga taong di rumirespeto
Sa kahalagahan nito
Watawat ng pilipinas
Ay ating iwagayway na parang walang bukas
At ipagbunyi na tayo'y bansang malakas
Na di basta basta matitinag na parang batong matigas
Sa tuwing ito'y nakikita
Sa mga paaralan at kahit sa kalsada
Ika'y mapapaisip talaga
Na tunay na pilipino ka
Kapag itinataas ang ating bandila
Sa oras ng seremonya
Ng watawat ay dapat ipagsintabi muna ginagawa
Para pansamantalang kakanta
Kakanta ng ating pambansang awit
At ating kanang kamay
Sa kaliwang bahagi ng dibdib nakalagay
Para sa watawat respeto'y iaalay
Kahit saang panig ka man ng bansa nakatayo
Basta ikaw lang ay pilipino
Maputi ka man o kayumanggi
At kahit ngipin mo'y hindi maputi
Ipagmamalaki natin sa buong mundo
Na tayo ay dugong pilipino
Watawat ng pilipinas ating iwagayway
At ipagsigawan na tayo'y mabuhay
Nawa'y magustohan niyo ang aking pangalawang entry para sa panglimang patimpalak ni kabayang @jassennessaj na word poetry challenge. Sa magiging hurado sana po kayo'y masiyahan sa pagbasa ng aking orihinal na gawa na tula. Nagawa ko itong pangalawang entry sa temang watawat ng pilipinas kasi di talaga ako mapakali na di ko mailabas ang aking mga masasabi sa ating pambansang watawat ng pilipinas na ginawa kong tula.
Maraming salamat sa paglaan ng oras sa pagbasa ng aking tula at mabuhay tayong pilipino at ang tulang tagalog.
Thanks and Godbless
@jumargachomiano
maraming salamat po sa pagsali
good luck
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat din @beyonddisability
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
wala pong anuman
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit