Alam mo ba na ika'y aking gintong medalya.
Gintong medalya na kay hirap makuha.
Ialay man pati puso't kaluluwa.
Kahit naalay na lahat at wala ng natitira sa akin.
Pati buhay ay kaya kong ialay.
Makita ka lamang aking minamahal na itay.
Anong oras na at bakit wala ka pa?
Wag mo naman sana ipaabot pa sa punto.
Na ako'y titigil na at mawalan na ng pag-asa sayo.
Kahit sa kunting panahon na ako'y nabubuhay pa.
Oh aking gintong medalya,
Bakit kay hirap mong makita?
Kung gaano kasaya na may matawag na sariling ama,
At masaksihan ang ngumingiti mong mga mata.
Aking gintong medalya, aking minamahal na ama.
Salamat po sa pagbabasa. Sana ay magustuhan niya po ang orihinal na gawa kong tula para sa paliksahan na ito. Kuya @jassennesaj ito po ang munti kong tula hehe.