" Word Poetry Challenge #2 : Huling Sayaw " | Late Upload LOL.

in wordchallenge •  7 years ago 

Ctto.

Ang storyang ito ay nagbigay sa aking ng inspirasyon upang ako ay sumulat ng isang tula para sa ginagawang patimpalak ni kuya @jassennessaj . Ngunit ako ay nahuli na sa pagpasa sa aking entry, ipopost ko napang to kahit wapang mananlo o matatalo hahahaha.Ang storyang ito ay naging trending sa social media at itinampok rin ito sa Kapuso Mo Jessica Soho #KMJS, ang storya ng mag aaral na tumibok ang mga puso ng dahil sa kanilang huling sayaw sa isang Prom.

"Huling Sayaw"

Katha ni: Omar G. Navarra


Isang lalakeng naghahanda para sa isang kaganapan,
Sarili niya'y inayusan,
Mga gamit niya'y bago't pangmalakasan.


Isang babaeng walang pinaghahandaan,
Para sa isang beses sa isang taong kaganapan.
Nahihiya sa sarili, pero walang magawa dahil siya ay napilitan.


Lalakeng handang handa na pumunta,
Sa kaganapang pupuntahan niya.
"Ang gwapo ng apo ko" pahabol pa ng aking Lola Tanya.


Babaeng walang kagalakan,
Sa puso niya sa pagpunta niya sa kaganapan,
"Bes kaya mo yan" pahabol ng kaibigan kong mapilit at palaban.


Ang kaganapan ay nagsisimula na,
Ang dalawa'y umabot sa pinuntahan nila.
Lalaki'y nakikipag kuwentuhan sa mga kaibigan niya,
Babae'y nakaupo sa sulok, mga tao'y dinadaanan lang siya.


Kanta'y nagsisimula na,
Pupuntahan ang taong gustong huling makasayaw nila.
Ang lalaki'y napakadaming nagyaya,
Sa kanya upang makasayaw at bumuo ng kwentong masasaya.


Mga hiling nila'y tinanggihan,
Dahil lalaki'y nakatingin kung saan,
Sa babaeng parang hindi parte ng kaganapan.
Ang babaeng malungkot at napilitan.


Ang Lalaki'y pumunta sa babae,
Iniimbitahang makasayaw siya buong gabi.
Babae'y hindi maintidihan ang nangyari,
Pero tumayo at hinawakan ang kamay ni lalaki.


Nagsimula na silang sumayaw,
Mga estudyante ay hindi gumagalaw,
Di naiintindihan ang pangyayari,
Kung bakit ang gwapong lalaki ay pinili ang bababeng hindi kawili wili.


Ang dalawa'y di initindi ang paligid,
Kahit ang mga tao'y tumatawa at nagmamasid.
Parang sa fairytale lang ang pangyayari,
Sabi ng mga mata na sa isa't isa'y itinali.


Sa huling sayaw nangyari ang itinakda,
Na magkita ang dalawang tao bigla-bigla.
Sa huling sayaw nangyari ang pagmamahalan,
Sa huling sayaw nararamdaman ng mga puso'y di maintidihan.


Sa Huling sayaw tayo nagkita,
Mga oras na inilaan talaga sa atin ni bathala.
Sa isang kaganapang muntik ko nang binaliwala,
Di ko inakalang makikita ko ang bubuhay sa puso kong nagiisa at namumutla.


Ctto.
Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Omar choyaa ani uyyy 😢 kuha kaayo nimo ang emotion sa episode ug sa dance mismo. Kani ta toy daog huhu.

Halaaaaaa teeee sayanga btaww huhu pero ok ra te oi hehehe