"Word Poetry Challenge #19 : Ulan"

in wordchallenge •  6 years ago 

ULAN

44621704_1235114249962405_4108664800249118720_n.jpg

Iba't ibang tao, iba't ibang kwento. Iba't ibang panahon, iba't ibang anggulo.
Sa bawat pagsapit ng dilim at pagsikat ng araw. Iba't ibang ngiti ang sa kanila'y natatanaw.
Sa bawat paglagas ng dahon sa makulay na Oktubre. At ang pagpatak ng ULAN sa mga araw na ating di inaasahan.

Ang kagandahan ng Ulan. . . . Ang kwento ng kanyang kahiwagaan.
Ang bawat patak nito sa lahat ay may kahulugan.
Kwento. Karanasan sa bawat buhos ng biyayang tinatawag nating ULAN.

Para sa isang batang masayang nakatanaw sa malawak na palayan.
Pagpatak ng ULAN ay isang bagay sa kaniya'y dapat ipagpasalamatan.
Dahil sa bawat patak nito'y mga bin - i'y nadidiligan.
Masaganang ani ang sunod na aasahan.

Para sa malulungkot na matang nakatitig sa malawak na lupaing inagos ng baha.
Isang delubyong buhos ng ULAN ang may gawa.
Ulang tila ayaw timugil sa pagtila.
Pangamba, pag aalala ang sa mukha nila'y naipinta.

Pero alam mo ba na may kagandahan ding dulot ang buhos ng ulan para sa iba?
Para sa isang taong nakatayo, nakatunganga at naghihintay sa wala.
Sa bawat pagpatak ng ulan kasabay ng mga nagbabadyang luha.
Nagmahal, nasaktan sa ilalim ng ulang wala ni isang naka alam at nakakita.

Bawat patak nito'y sa kanya'y nakakapagpakalma.
Buhos ng ulan sa kanya'y parang isang kanta.
Nagbibigay inspirasyon, nagbibigay rason.
Para magpatuloy at wag sumuko ng basta na lang ganon.

Mga iba't ibang bagay na kayang ibigay ng ulan.
Emosyong sarili lang natin ang nakakaramdam.
Pag asa. Pagkapariwara. Pagkawala. At saya.
Buhos ng ulan. Bawat patak nito na parang isang musika.
Isang musikang pwede pa ding magdala ng ngiti sa bawa't isa.


Maraming salamat po!

footer.jpg

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.