Gaano kasarap maging bata?

in writing •  7 years ago 

image

Natyempuhan ko lang ang mga maliliit kong pinsan na naglalaro. They pretend they were older. Natatawa ako. If they only knew that one day when they get older, there will come a time they'd wish they were back to being kids again...

Naalala mo ba kung gaano kasarap ang iyong buhay noong bata ka? Iyong walang ginawa kundi, gumising, maglaro, kumain, maglaro ulit at matulog?

Sa sobrang hilig sa laro, pati ang pagpapatulog ng ating mga magulang sa tanghali ay tinatakasan pa natin kahit gaano kalaki ang suhol na ibigay nila. Naalala mo sasabihin sayo ng nanay mo, "pag natulog ka ngayon may limang piso ka sakin mamaya paggising mo".

Kung alam mo lang na sa paglaki mo halos kulangin na ang 24 oras sa paghahanap mo kung nasaan na si tulog, eh di sana bawat araw na pinapatulog ka ng nanay mo, sinunod mo na. May tulog ka na, may limang piso ka pa. Baka mas tumangkad ka pa. (Obvious na hindi ako natutulog sa tanghali noon, di na ako tumangkad eh haha).

Kung alam mo lang na mas komplikado ang buhay ng isang matanda, di sanay mas naglaro ka pa, sana mas marami ka pang inakyat na puno. Mas maraming chinese garter na napigtas, mas maraming luksong tinik na tinalon, mas malaking bahay-bahayan sana ang ginawa mo pa. Sana sumama ka sa paghabanap ng gagamba, sa paghanap ng bungang-kahoy, santol, caimito o bayabas.

Napag-aralan mo pa sana kung paano magpalipad ng saranggola at magpaikot ng trumpo... Nakaligo ka pa sana sa mas maraming ilog...

Now that I am writing this, I realized that there is a deeper meaning when parents tell their children, "anak, don't grow up so fast."

Cause if I could turn back the time, I'd take this advise. Let a child be child. Let them enjoy and play around, let them discover new things in their own way and phase. Cause being a child is something someone can never go back again.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

ellebravo!! Thank you, your Post. i upvoted.^^

Dati gusto natin tumanda agad para magawa natin lahat ng gusto natin. Pero ngayon na marami nang problema, minsan masarap maging bata uli na walang iniisip na kahit ano. Mglalaro at kakain lang :)

Totoo yan... sobrang sarap bumalik ulit dun sa time na ang mundo at oras ay iyo lang.. salamat sa pagbasa.:)

Walang anuman po. :)

The @OriginalWorks bot has determined this post by @ellebravo to be original material and upvoted it!

ezgif.com-resize.gif

To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!

Yup I know the feeling . Sometimes miss being a kid with no responsibilities 😀

Hi sir Lance!!!! Welcome sa steemit!!

Nakakamiss maging bata. Kung saan wala kang pakialam s mundo.

Agree... Kahit ano pa hitsura mo, kung maamos ka lang basta masaya ka, ok ka na eh... Thank you po for reading. :)

Yung pakiramdam kasi na wala kang iniisip na problema. Yun ang nakakamiss sa pgiging bata. 😊

totoo po. Hindi mo intindi ang inog ng mundo... ang mahalaga makapaglaro ka.