"10 BAGAY NA HINDI SINABI SA'YO NG IYONG INA" - Na dapat isa-puso ng anak.

in writing •  7 years ago 

1. NAPAIYAK SIYA NG MARAMING BESES DAHIL SA IYO.

Minsan luha ng kaligayahan; ang makita ang iyong natamo habang ikaw ay nagaaral, yung mga laso at medalya na iyong nakamit dahil sa masipag kang magaral – napaiyak sya sa kasiyahan. Kapag ikaw ay may sakit, habang tinitingnan ka nyang nakahiga sa iyong higaan, hindi niya maiwasang maluha at iniisip na kung kaya lang niya na kunin ang iyong sakit ito'y kanyang gagawin. Natatandaan mo ang iyong unang kabiguan sa buhay? mas una siyang nasaktan at lumuha dahil masakit para sa ina ang makitang nasasaktan ang kanyang anak. Ngayong malaki ka na, kapag nakakalimutan mo syang tawagan o kahit padalahan ng mensahe, umiiyak sya dahil gusto ka niyang makausap.

2. GUSTO NIYA ANG HULING PIRASO NG PAGKAIN.

Sa tuwing bibili siya ng pagkain ay sisiguraduhin niyang isa iyon sa mga paborito mo. Minsan kahit ayaw nya ng pagkaing iyon at dahil sa gusto mo ay iyon pa din ang kanyang bibilhin. At kahit gusto pa nyang tumikim at nakita nyang magana ka pang kumakain, ititira nya iyon para sa iyo.

3. MASAKIT PARA SA KANYA.

Masakit para sa isang ina ang makalimutan ng anak. Lalo na kung ikaw ay may trabaho na at abala sa araw araw, bihira ka ng dumalaw. Madalas mong makalimutang siya ay kamustahin. Sa mga oras na pinagsasabihan ka dahil sa may nagawa kang mali, sasagutin mo ang iyong ina ng pabalang- iyon ay masakit para sa kanya. Kapag nakikita ka nyang malungkot at nasasaktan mas doble pa ang sakit na kanyang nararamdaman.

4. LAGI SIYANG NATATAKOT.

Intindihin natin ang ating mga ina kapag lagi silang nagtatanong kung saan ka pupunta, sino - sino ang iyong kasama at kung anong oras ka uuwi. Iyon ay dahil sa takot siyang may mangyari sa iyong masama. Hindi siya komportable kapag hindi ka niya nakikita.

5. ALAM NIYANG HINDI SIYA PERPEKTONG INA.

Tanggap at alam ng ating mga ina na hindi sila perpekto, pero ginagawa nila ang lahat para maging maayos ang buhay mo. Minsan nagkakamali siya pero hindi ibig sabihin non ay pagkukulang o pinababayaan ka. Tao lang din ang iyong ina.

6. PINAPANOOD KA NYA HABANG IKAW AY NATUTULOG.

Ikaw ang paborito niyang panoorin. Sa halip na manood siya agad ng telebisyon kapag ikaw ay tulog na, natutuwa sya na ikaw ay panoorin. Nakangiti siyang tinititigan ka habang ikaw ay mahimbing na natutulog, dahil gustong gusto niya ang iyong mukha, at ang mukha mo daw ay parang anghel.

7. DINALA AT KINARGA KA NIYA NGHIGIT SA SIYAM NA BUWAN.

Mula ng ikaw ay ipinanganak, araw at gabi ka niyang inaalagaan. Sa gabi kahit gusto niyang matulog ay hindi maaari dahil sa gising ka, at kadalasan gusto mo ng karga. Sa umaga kahit siya’y puyat matiyaga ka niyang inililibot sa labas at pinapasikatan sa araw sa paniniwalang makabubuti para sa iyo.

8. MASAKIT SA DAMDAMIN NIYANG MAKITA KANG UMIIYAK.

Mahirap sa damdamin ng isang ina ang makitang umiiyak o nasasaktan ang kanyang anak. Ito man ay dahil sa karamdaman o dahil sa nabigo ka. Tandaan mo na mas unang nasasaktan ang ina kaysa sa anak, at mas doble pa ang sakit na kanyang nararamdaman sa oras na makita kang nasasaktan.

9. PALAGI KA NIYANG INUUNA.

Sa lahat ng pagkakataon ikaw ang kanyang inuuna. Kahit na may gusto syang gawin para sa sarili nya at nakita niyang kailangan mo siya, iiwan nya iyon para samahan ka.

10. HANDA NIYANG GAWIN LAHAT MULI.

Ang isang ina ay hindi magsasawang mahalin at alagaan ang kanyang anak. Kaya niyang isakripisyo ang pansariling hangarin. At kahit hilingin pa ng pagkakataon na ulitin nya lahat ng paghihirap ay gagawin niya ito ng buong puso.

Maraming salamat at hanggang sa muli!

Subaybayan po ako sa @noime para sa mga susunod ko pang mga likha.

Salamat sa Larawan

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice one. A must-read for everyone who seems to forget where they came from -- especially for the teens who thought they KNOW what they're doing or they are MATURE ENOUGH to be told what to do.

you're right.. ", that's why I am making blogs about mother's love and parenting.. ",

thank you for visiting @hyandel .

Why not share it on your FB account?

This post has received a 0.67 % upvote from @booster thanks to: @noime.

great content po, galing!!! tjanks for the reminder 👶👍

thank you sa pagbisita.. ",

welcome po kiddos po kami ni @zephalexia 👶😘