BAKIT MAS MADALING MAGSULAT KAPAG NASASAKTAN?
Napansin ko sa sarili ko na nabubuhos ko lahat ng gusto ko sabihin sa pagsulat kapag may nararamdaman akong sakit. Hindi yung sakit na nilalagnat, yung sakit na tagos sa puso. Yung di kaya gamutin ng gamot. Yung sakit na hirap lunasan. Pakiramdam ko nga sobrang galing ko sa pagsusulat kapag ganun. Pero bakit? Sa dinami-dami ng pwede kong gamitin na emosyon, bakit yung sakit yung tumutulong sakin upang mapabuti ko ang isang katha?
Hindi naman talaga ako mahilig magsulat. Mahilig ako magbasa. Pero pagsusulat? Katamaran ko yan. Magsusulat kapag may hinanakit ako, ganun. Ganun lang.
Noon may planner ako, yung galing pa sa Starbucks. Bukod sa mga kaarawan ng mga taong mahahalaga sakin at iba bang plano sa araw-araw ko, sinusulatan ko rin sya na para bang isang diary. At madalas, o halos lahat ng naisulat ko dun eh puro sakit, hinanakit. Sa araw-araw halos puro ganoon ang laman nya.
Masayahin rin naman akong tao. Sa katunayan nga mababaw lang kaligayahan ko. Tulad na lamang nung makita ko yung reputation ko rito sa Steemit na tumaas eh, para na akong nanalo sa lotto kung maghiyaw. Pero kapag masaya ko, wala kong maisip isulat. Blangko ang aking utak kapag may hawak na bolpen at papel. Wala kong maisulat. Totoo iyon.
Pero sa isang banda, kahit kinukwestyon ko ang aking sarili, masaya ako dahil alam ko, na kahit malungkot o nasasaktan ako sa oras ng pagsusulat, may maganda itong kinakalabasan sa huli.
@originalworks
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
The @OriginalWorks bot has determined this post by @smafey to be original material and upvoted it!
To call @OriginalWorks, simply reply to any post with @originalworks or !originalworks in your message!
To nominate this post for the daily RESTEEM contest, upvote this comment! The user with the most upvotes on their @OriginalWorks comment will win!
For more information, Click Here!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This post recieved an upvote from minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowpond on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ang post ba na ito ay gawa dahil nasaktan ka?
Kapag tayo'y nasasaktan, gising na gising ang ating diwa at isipan. Ang ating subconscious mind ay nag aactivate na maaring pinanggagalingan ng mga ideas na ating naranasan ngunit pansamantalang nakalimutan, o di kaya ating napanaginipan. Naranasan mo na bang managinip ngunit di mo matandaan paggising mo?
Kapag tayo'y nasasaktan, ang ating isipan ay kusang naghahanap ng mga paraan upang maibsan ang sakit na nararamdaman. Isa itong defense mechanism ng ating brain upang di tayo malugmok sa kalungkutan o mahirapan sa sakit na nararanasan.
Ang mga paraan na ito ay maaring magdala sa ating isipan sa mga bagay na nasa subconscious mind natin.
Ngunit kung tayo ay masaya, maginhawa ang isipan, relax, at hindi stressed. At kung hindi ka sanay na magsulat sa kahit anumang kalagayan ng iyong emosyon, ang masayang emosyon ay magsisilbing panahon ng bakasyon upang umiwas sa araw-araw na pagkayod, pagtatrabaho, pagiging magulang at kung ano-anu pa.
Ngunit lahat ng ito ay sariling panukala ko lamang. Maaring ako'y mali. O tama rin. Lahat ng ito ay dahil sa post mo na gumising ng aking isipan at naungkat ang aking subconscoius mind ;-)
Magandang gabi, kapatid.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sa katunayan naipost ko ito dahil gusto ko malaman kung may katulad ko rin ba pagdating sa pagsusulat. Pero dahil sa komento ito, nabuksan ang kaisipan ko patungkol sa masayang emosyon ng tao bilang bakasyon. Ngunit may nadagdag naman sa aking kyuryosidad dahil dito. Ito ay ang mga panaginip na nalilimutan pagkagising. Madalas ito mangyari sakin. At maraming bagay pa patungkol sa panaginip.. Maraming salamat sa iyong komento, at Magandang gabi rin sa iyo !
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
hI...Have a nice day
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
have a nice days also! thnaks for dropping at my acct
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Congratulations @smafey! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :
Award for the number of upvotes
Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOP
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Hula lang naman kabayan, pero tingin ko, ang dahilan kung bakit ka nakakapagsulat kapag may hinanakit ka dahil masiyahin ka.
A happy person needs to release his/her ache to be happy again 😊
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit