Sa mga bago pa nito, may isa na akong nagawa tungkol sa mga bagay na makakatulong sa inyo sa pag-asenso sa steemit.
Tinatalakay diyan kung ano ang kahalagahan ng magkaroon ng mga taga-sunod at ang pagiging taga-sunod sa ibang steemian. Kung sa tingin niyo ay makakatulong ang mga ito, maari niyong i-resteem ang mga post na ito.
Ngayon, itatalakay ko naman kung bakit sa kabila ng kahirapan na kumita sa steemit na batid ko sa ibang steemian, ay maswerte pa rin tayo dahil napunta tayo sa ganitong lugar. Na may mga taong willing na ilaan ang kanilang mga oras sa pagtulong sa mga nangangailangan. Maitatalakay din dito ang kahalagahan ng pansariling responsibilidad at ang oras na dapat ilaan para sa steemit at para sa sarili. Hindi ito direktang naglalarawan ngunit makukuha niyo kung bakit maswerte ang Pilipino na nasa steemit.
Wag mag-expect na may makukuha kang pera sa mga pinu-post mo. Maswerte parin tayo.
Oo tama ang nabasa mo. Hindi lahat ng nilalathala mo sa steemit ay may kasiguraduhang makakakuha ng halaga. Atensyon at interaksyon ay meron, ngunit kung sa aspeto ng pera o halaga ay walang bagay o impormasyon na may mapag lalagyan ang iyong gawa.
Maliban kung ang mga gawa mo ay maganda talaga at katangi tangi sa iilan, may mga kumunidad na makapag bibigay ng halaga sa iyong gawa. Nandiyan ang @curie, @ocd, @steemgigs at marami pang kumunindad na may magandang hangarin sa pag-gagantimpala ng mga gawa ng mga steemian. Syempre, may mga gabay at alituntunin kang dapat sundin para mabigyan ng agaran at sapat na halaga ang iyong gawa.
Kahit na mailap parin ang swerte sa atin na may makukuha tayong halaga sa ating mga gawa, ay maswerte parin tayo dahil may mga kumunidad tayong binubuo at may mga tao tayong responsable sa pagbibigay ng mga magagandang dapat gawin sa steemit at sabay nito binibigyan tayo ng atensyon. Isa na dito si @surpassinggoogle na walang sawang sumusupurta sa mga Pilipino.
Ngunit, maganda sana kung ang mga umuusbong na steemian ay bigyan ng mas nakakataas na atensyon.
Bakit?
Dahil ang mga steemian na ito ay may potential sa steemit at may mga hakbang na magaganda para mapaunlad ang kumunindad ng Pinoy sa plataporma. Kapag dadami ang mga ma impluwensyang pinoy sa steemit, magiging madali na ang trabaho ng nakakataas na steemian. Dadami ang ma bibigyan ng mga rewards na angkop sa kanilang kontribusyon. Isa rin sa nakikita ko na maganda kapag ito ay nagawa at maipagpapatuloy ay lalago ang interaksyon ng bawat Pilipino sa loob na walang anumang pagdududa na may kahatian sa kumunidad. Lahat ay karapatdapat sa mga ginagawa sa steemit at lahat ay karapatdapat na makatanggap ng halaga sa kanilang gawa.
Kumunidad
Sa kabilang banda naman, maswerte rin tayo dahil nabuo ng mga ma-impluwensyang pilipino steemians ang mga kumunindad na bumubuklod sa mga pilipino at bumubigay ng halaga sa mga gawa. Ito ay ang @steemph. Ang steemph ay nabuo dahil sa kagustuhan ng mga nakararami na magkaroon ng lugar ang mga Pilipino sa steemit. Hindi lang yan, dahil sa kagustuhan din ng mga lider sa steemph na magkaroon ng iba't ibang hugpong nga mga kumunindad sa ibang pulo ng bansa, ay binuo nila ang mga steemit account para sa karatig probinsya. Lahat ng ito ay naglalayun na mabigyan ang lahat ng halaga sa kanilang mga ginagawa o nilalagay sa steemit.
Isa rin sa napakalaking tulong na nagawa ng mga umuusbong na Pilipinong steemian ay ang pagbuo ng curating account na @bayanihan. Ito ay naglalayung mabigyan ng malaking atensyon ang mga magagandang kontribusyon na ginagawa ng iilang Pilipino. Ngunit wag kayong mabahala dahil ang bayanihan ay para sa lahat. Nakadepende ang halaga na mabibigay ng bayanihan account sa lebel o ganda ng iyong nilalaman.
Ang maiging gawin para hindi madismaya sa nakuhang halaga, malaki man o maliit.
Mag-enjoy lang ang sarili. Libangin sa sarili sa pagpopost na walang iniisip na halagang makukuha.**
Karamihan sa atin ay hindi ito nakikita dahil sa umpisa palang iniisip na natin na may siguradong makukuha tayong pera sa steemit. Lalo na kung ang pag-inganyo sa atin ng ibang steemian ay nakapukos sa perang makukuha. Kung alam mong may mabibigay kang importanteng bagay sa steemit, ay alam mong may makukuha kang halaga o pera, at yan ay makakamtan mo lang kung ikaw ay natatangi sa iilan, matiyaga sa pagbibigay kontribusyon, at may interaksyon sa ibang steemian. Ang napaka importante sa bahaging ito ay mag-enjoy lang. Isipin mo lang kug nakaya mong magpost sa ibang social media na wala ka talagang makukuha, kakayanin mo rin dito na may halaga kang matatanggap.
Ilaan ang bagay na madali para sa iyo at nagbibigay kasiyahan sa iyong puso kapag ito ay iyong ginagawa at ibahagi ito sa steemit.
May mga nakilala akong mga steemian na hilig na nila ang gumuhit, puminta, magsulat, maglakwatsa at kung ano pa na nagbibigay sa kanila ng kontento at kasiyahan kapag ginagawa. At ang napakaganda pa nito ay nabibigyan sila ng halaga sa kanilang ginagawa.
Yan ang nagagawa ng steemit!
Pangwakas
Marami pa rin ang hindi nabibigyan ng sapat na atensyon sa steemit, lalo na ang mga Pilipino. Isa lang ang masasabi ko, magpatuloy lang at libangin ang sarili sa loob. Wag mo nang isipin ang pera dahil may mga mabubuting steemian tayo at grupo na nagbibigay nito. At isa pa, wag kalimutang may mga bagay tayong mas importante kaysa sa ginagawa natin sa steemit. Alam kong ilan sa inyo ay kinabubuhay na ang pag-popost at hindi ko maikakailang isa ako nito. Ngunit kahit na ganito na ang nangyayari sa atin, wag nating kalimutan na may mga personal na bagay o tao tayong higit na nagpapasaya sa atin. Sanay maging inspirasyon sa inyo ito at makatulong sa inyung natatanging buhay sa steemit. Maraming Salamat!
Personal na Mensahe
Samahan niyo ako sa pagpapalaganap ng ating sariling wikang Filipino sa steemit. Ito ay magbibigay sa atin ng marka sa steemit, na tayo ay naiiba sa iilan at sa ating gamit na linggwahe. Magsimula ng gumawa ng mga artikulo na magbibigay ng pangalan sa ating bansa.
Palaganapin ang Sariling atin!
Expect less. Hurt less. Tama nga naman. Basta sulat lang nang sulat. Makakaraos din.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Tama! Tsaka may mga maraming bagay na puwede kang maka-ambag sa steemit. nandyan ang utopian.io na patok na patok sa nga Pilipino
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
This is gold! Saludo ako sa 'yo @themanualbot sa mga walang sawang pagbigay ng mga gabay lalong-lalo para sa aming mga baguhan. Eto din ang payo ng kaibigan ko na si @smaeunabs na nag encourage sa akin na sumali sa platform na ito. Pero Salamat dahil ginawan mo talaga ng post, di lahat ng Steemian na baguhan ay may kaibigan na nakapagpayo kung paano mas maappreciate ang Steemit. More power! ;)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Salamat sa mga papuri @namranna. Hayaan mong maibabalik ko rin ang supurtang natanggap ko sa inyo. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Maraming salamat, @themanualbot! Sang-ayon ako sa lahat ng sinabi mo. At natutuwa din ako na dumarami na din ang pinoy steemian. Malaking tulong din ang mga curators na nabanggit mo. Isang buwan pa lang din ako dito sa steemit at marami pa kailangang matutunan kaya salamat talaga sa artikulo mong ito. Apir!
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Magaling magaling @themanualbot . Salamat sa mga payo mo palagi at dapat hindi mag eexpect masayado para hindi masaktan .
Dapat may ieffort para magantimpalaan balang araw . :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Ou @joancabz. Effort lang ng todo at enjoy. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Expectation hurts kaya effort lang ng effort pero di dapat mag expect.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
tama po kayo diyan. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Murag sa gugma, expect less nalang pud =(
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Sulat ng sulat ng galing sa puso, at higit sa lahat, enjoy the ride :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
:)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Isa sa mga bagay na nagustuhan ko sa steemit. Maliban sa pera na binigay nito sa akin ay ang pagkakataon na makapag sulat ulit ako. Nakakatuwa na mayroon ding nagbabasa ng mga likha kong nasa Filipino na kung paano ang bawat kabanata ay sinubaybayan at tinangkilik. Hindi ito nangyari sa account ko sa Facebook panay likes lang ang nakuha ko o minsan wala pa talagang reaksyon. Dito nabuhay ang mga karakter na minsan ay nasa isipan ko lamang. Kaya't kahit hindi nakita ang mga likha tuloy lang para sa akin mas mahalaga parin ang nakakapag sulat ka at nagagawa mong ipamahagi ang iyong nais ipahiwatig sa madla.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Tamang tama saken to ah. Nagpost ako tpos konti upvotes .nag expect ako ayun. Masakit.
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
I admit na one reason na nag sign up ako is to earn money from steemit pero sa anim na araw na ako'y nag browse at bumabasa sa mga posts nang ating kapwa steemians, na realized ko na hindi lng pera ang hinahabol nang iba kundi passion na talaga nila ang mag sulat. Hindi ako magaling na manunulat pero nang dahil sa steemit at sa mga nakukuha kong impormasyon sa kapwa steemians, mas naganahan na akong mag sulat ngayon. Salamat sa mga impormasyon na iyong ibinahagi. Ito ay malaking tulong sa amin na mga bagohan :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit