Ito ay nakabase sa pag-papaunlad ng talata at sanaysay. Isa sa mga malalaking pagkakamali natin sa ating pagsusulat ay ang pagbabalewala sa pangunahing simuno o punto o pangyayari sa pangungusap. Madali kang mawala sa sinusuluat mo kapag hindi mo alam ang itong kamalian.
Naipapakita mo ang iyong aking galing sa pagsulat ngunit naisip mong unti unti kang lumulihis sa lahat ng iyong sinusulat at nawawala ang pansin mo sa pangunahing paksa at ang simuno nito.
Ang Paksa
Ang paksa sa kung ano man ang iyong sinusulat ay ang iyong ideya, lugar, bagay o tauhan na gumagawa ng aksyon. Sa pangkalahatan ang iyong paksa sa isang pangungusap ay ganito:
Halimbawa: Inihanda ni Tim ang kanyang bag. Si Tim ang paksa o ang simuno na gumagawa sa kilos.
Halimbawa: Ang mga fastfood gaya ng KFC at Mcdonalds ay masama para sa'yo. Ang fastfood ang ating paksa na bagay na nagsasaad ng kilos.
Image credit
Mga Paksa sa mga Talata
Kahit gaano pa kahaba ang iyong sinusulat, isang pangungusap o isang nobela, dapat mayroon itong paksa o simuno. Sa paggawa ng iyong pangungusap ng paksa para sa isang talata, siguraduhin na nakalagay ang paksa o simuno sa buong talata.
Kagaya ng ating nakita sa itaas na mga halimbawa, ang mga paksa o simuno ay nakalagay sa unahan ng ating pangungusap. Katulad din sa paksa na nakalagay sa isang talata, magsisimula ito sa unang pangungusap.
Image credit
Halimbawa: Ang mga minnows sa steemit ay kinakailangan ng matagal na panahon para maging mga dolphins. Ang mga minnow ay mga bagong gumagamit sa steemit ngunit may mga matagal na rin sa steemit ngunit matatawag parin na minnow. Ang minnow na naglalaan ng malaking oras sa paggawa ng magagandang nilalaman ay mas madali ang pagiging dolphins.
Ang unang pangungusap ay ang nagsisilbing paksang pangungusap. Pansin na lahat na nakasunod na mga pangungusap tapos ang unang pangungusap ay direktang may relasyon sa nakasaad na paksa o simuno sa paksang pangungusap.
Pag-iwan sa Paksa
Siguraduhin na bawat pangungusap ay sumusuporta sa simuno o paksa. Kapag may mga iilan ka na hindi sumusuporta, may mali kang dapat ayusin at yan ay ang pag-iwan sa paksa o pagbabalewala.
Image credit
Halimbawa: "Noong ako'y lumalaki na, isa sa mga lugar na nalilibang ako ay ang cherry na puno na nasa bakuran namin. Sa likod ng bakuran ay may alley at mga maraming bahay. Tuwing tag-init, kapag naging hinog na ang mga cherries, naglalaan ako ng oras sa itaas ng puno at kumukuha ng mga bunga at kinakain. Laging nagaalala ang aking inay sa akin na baka mahulog ako sa puno, ngunit kahit isa, hindi ako nahulog."
Pinagkuhanan
Ang pangungusap na makapal ang pagkasulat ay hindi tugma sa kabuohan ng talata. Kung ito ang iyong paksang pangungusap, dapat ibahin mo ang kabuohan ng iyong talata. Ang pinaka magandang paraan para maayos ito, ay ang pagtanggal sa pangungusap o ang baguhin ito.
Sanaysay
May apat na punto ang puwedeng gamitin ang isang manunulat para sa pagpapa-unlad ng isang sanaysay.
- Pambungan na Talata
- Tesis na mga Pahayag
- Katawan na Talata
- Pangwakas
Pambungad na Talata
Ang pagbabalewala sa paksa ay isang malaking problema sa mga sanaysay o ibang pagsusulat. Ang paniguradong may nakasaad na paksa at tesis sa iyong gawa ay sobrang nakakatulong at mahalaga.
Siguraduhin din na maisali ang lahat na impormasyon na isusulat mo sa iyong gawa. Ipakilala ang mga impormasyong ito. Ang pagsulat nito na nakalista ay nakakatulong para malikom lahat ng impormasyon na kailangan at hindi kailangan sa iyong paksa.
Tesis na mga Pahayag
Sa pagsusulat ng iyong mga pahayag sa tesis, siguraduhin na nakasaad ang pangunahing argumento at impormasyon nito. Kapag nasulat muna ang kabuohan ng iyong gawa, suriin ang tesis kung sinusuportahan parin ba ito sa mga sinusulat mo.
Katawan na mga Talata
Kahit anong gawin mo sa mga talata na ito, siguraduhin na may kaugnayan itong lahat sa iyong sinusulat. Tanggalin ang anumang nagpapabalewala o umiiba sa mga talata ng iyong gawa.
Bawat talata ay may sariling paksang pangungusap at simuno nito ngunit sapat ito ay may kaugnayan parin sa pangunahing ideya sa iyong sinusulat.
Pangwakas
Ang paglista ng iyong tesis. Wag isalaysay ng paulit ulit ang mga salita na iyong ginamit sa pambungad na bahagi o talata. Sa halip na isalaysay, itanong ito na may sagot. Kapag gusto mong ibahin ang iyong buong papel dahil may mga mali kang nagawa, ibahin mo rin ang iyong pangwakas na bahagi.
Image credit
This is a translated post of @dragonslayer109's series of "Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.
very informative post
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Its really nice and details post you share i like it always do that due to i upvote it
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit
Its really nice and details post you share i like it always do that due to i upvote it
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit