"Ang Kamatayan"

in filipino-poetry •  7 years ago 

Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Mabilisang umiikot ang orasang ito
Di kanais-nais na bagay sa mundo
Lahat ito sa buhay ko'y gumugulo.

Bawat tagatak ng aking mga pawis
Pagod sa katawa'y agad inaalis
Ngunit ang aking luhang tumatagistis
Sa aking mukha ay hindi maalis-alis.

Iniisip ko kung anong mangyayari
Sa oras at araw na ako'y masawi
Mayroon kayang taong mapipighati
Sa bangkay kong kalungkuta'y tumatali.

Aking katawa'y malapit nang mabihag
Ni kamatayang sa pagpili ay bulag
Ngunit sa pagpanaw di ako lalabag
Dahil alam kong ang Diyos ay may habag.

0AD7C326-8C22-4CB8-A218-A3F52F714BE3.jpeg
photosource

Sana ay nagustuhan ninyo! Maraming salamat!

@surpassinggoogle has been a great and amazing person please support him to vote as witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" into the first search box for witnesses or simply click Here to do it on one click!

If you want me to make witness voting decisions on your behalf, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box for proxy.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Nice. Upvoted. :)

Thanks

Nice one. Upvoted @athenabree

Thank you

thanks for posting steemitdavao tags

keep steeming..steem on..Upvoted and resteem

Greetings From your steeemitdavao family.

davao.png

THANKS

Natakot ako sa picture mam hehe pero gustong gusto ko po yung pagkakatugma ng bawat dulo :D

Haha salamat

nice..hehe,,upvoted mar

Maganda ang pagkaka likha :)
Kung paano inilarawan na walang pinipili si kamatayan at yung panghuling bahagi ay talagang nag-iwan ng impresyon na tanging ang Diyos lamang ang may alam.

Salamat sa pagsusulat ng Tagalog :)