Inay Inay, Nasaan ang Itay

in philippines •  7 years ago 

How are you guys?!...

So before anything else, Shout-out to @surpassinggoogle @arrliinn @michellpiala @sherylneil @appleskie and more for your continuous support. I really appreciate all your upvotes and comments. I love you guys #steemph #philippines

For that I finally finished my 3rd poem.

I dedicate this poem to all OFW’s around the world. I know what is the feeling being left behind, because before my father worked in Dubai for more than 12 years, he left when I’m just 12 years old and now I’m here in Abu Dhabi working, together with my brother and sister.

And my parents stayed in our home country and just visit us every (6) moths so I still feel homesick every now and then.

Please enjoy my 3rd Poem…

21768891_1563669153691622_3847283511269924235_o.jpg

Inay Inay, Nasaan ang Itay

(nowiknow17)

I
Buwan ng pebrero, umpisa ng kalbaryo
Mga tao sa barrio, nag hahandang mag trabaho
Kape ay handa na, wika ng kaniyang asawa
Kapares ang pandesal, na may mantikilya

21761995_1563671010358103_1431872800771291750_n.jpg

II
Habang ang sakada’y, nakaharap sa Poon
Umusal ng panalangin, gabayan siya sa maghapon
Iniwan ang mag-ina, nag lakad palayo
Hanggang di na makita, nakarating sa malayo

908825_623679697645496_1002961199_n.jpg

III
Sa gitna ng bukirin, sakada’y nag tatanim
Walang masilungan, ni aninong malapitan
Matinding sikat ng araw, sa balat niya’y tumutupok
Tubig sa katawang tumutulo, wari‘y di na hihinto

IV
Ang tigang na lupa, dinilig sa pawis ng dukha
Sira-sira niyang sambalilo, ipinatong sa ulo
Luma niyang asarol, ang siyang katuwang sa trabaho
Kaniyang hirap na dinaranas, sa palad ay mababakas

23467001_1842719369074850_6822418472306063733_o.jpg

V
Hanggang sa pag dilim, sakada’y di humihinto
Tila ba may hinuhukay, na kayamana’t ginto
Ganun nalang ang pagsisiskap, ng amang naatasan
Pamilya’y pakainin, iahon sa kahirapan

VI
Ganito ang senaryo, sa buhay ng isang sakada
Sa lupa kinukuha, pagkaing para sa pamilya
Kaya naman anong sakit, nang lupa niya’y angkinin
Ng sakim na hasyenderong, gahaman sa lupain

123.jpg

VII
Hinagpis ng sakada’y, di mo maihahambing
Problemang dinaranas, sa diyos na pinag bilin
Sarili di iniisip, kung ano ang sasapitin
Basta ang pamila’y, ligtas at may makakain

VIII
Amang dakila, pag-ibig ay wagas
Lahat isusugal, buhay ma’y iaalay
Upang ang mag ina niya’y, hindi mag danas
hirap na pinag daanan, sa kamay ng mayayaman

234.jpg

IX
Nang ang hilahil, problema’y masulusyunan
Pobreng sakada’y, nag disisyong mangibang bayan
Hirap ng mawalay sa pamilya, kanyang bubunuin
Mapalayo sa kanilang piling, pilit titiisin

X
Makalipas ang ilang araw, mag-anak ay nagsi-tungo
Sa dako kung saan, maraming puso ang nabibigo
Musmos ay namangha, sa kaniyang kapaligiran
Nag lalakihang eroplano, nuon lang nasilayan

XI
Hanggang ang ama’y lumapit, anak ay hinagkan
Lumuhod sa harapan, at saka pinagbilinan
Ika’y magpakabait, eskwela’y pagbubutihan
Alagaan ang iyong ina, huwag mong pababayaan

10999088_387948961384246_1020967867949771868_n.jpg

XII
Sa musmos niyang isipan, kataga’y di naintindihan
Ni hindi naisip, na ang ama’y lilisan
Walang kamalay-malay, na siya’y iiwan
Muli nilang pag kikita, ay walang katiyakan

21762223_1563670613691476_6575062429784272977_n.jpg

XIII
Sa kanilang pag talikod, ama’y di na nakita
Kaya ang dulog ng anak, sa inang lumuluha
Inay, Inay, nasaan ang itay?
Ang Ina’y nag wika, sa musmos na bata

IX
Aking anak tandaan, kailan ma’y huwag kaligtaan
Ang iyong ama’y dakila, busilak ang kalooban
Gawin mo siyang huwaran, sa iyong pag tanda
Bilin niya’y sundin, maging mabuting bata.

21764834_1563671100358094_6685320055194139701_n.jpg

Once again, Thank you guys for reading my simple poem.

Be strong and courageous. Do not be afraid or terrified because of them, for the LORD your God goes with you; he will never leave you nor forsake you."

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

wow! this what I called perfect! The Image also is Perfect!

Thanks. all the pictures I've used on my blogs are personal images of me and my family..😊😉☝️

Welcome to Steemit my friend!

Thank you...😁☝️

Keep steeming kababayan! :)
followed you

Salamat kabayan.😁☝️

ang galing nyo po :)

maraming salamat po.😁☝️

magaling na makata...^_^.

Maraming salamat kabayan.😊👆

welcome poh :D

More of this!❤️

😉😉thanks alot.☝️