"Gabi"
Ang buwan ay pumapaibabaw
Nakangiting nagliliwanag sa kalangitan
Sa gabi kitang kita ang kapayapaan
Ako'y napatanong sa aking sarili
Bakit malamya ako sa araw kaysa gabi?
Lalo na pagsapit ng hating gabi
Ang galaw ng utak ko'y napakaliksi
Ito ba ay hudyat ng pagpupuyat?
At magiging dahilan kung bakit ako papayat?
Eh yun nga ang nais ko eh!
Tama ba ang ginagawa ko teh?
Tulog sa umaga, gising na gising sa gabi
Ang mata ko'y parang nakangiti
Nakagagawa ako ng napakaraming gawain
Tong mga oras nato utak ko ay sisipagin
Umaga'y kasing lamya ng pagong kung kumilos
Puno ng antok at puno ng walang kasiglahan
Ngunit pagsapit ng gabi unti-unting nagbabago ang kalamnan
Matalinghagang pag-unawa at mapanghamong utak ang laman
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1
nice view^^
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit