KUMUSTA STEEMIT? Sa Wikang Tagalog...

in tagalog •  5 years ago 

Kumusta Steemit?
Matagal din akong hindi nagsulat sa mundo ng Steemit. Pero heto ako't nagbabalik. Matagal din ko itong iniwan ang mundo ng pagsusulat. Kaya heto susubukan kong muli, pero sa pagkakataong ito ay sa sarili ko nang lenguahe.

Ako ay na encourage sa mga nag susulat sa kanilang sariling lenguahe, gaya ng mga Koreans na sila lang ang nakakabasa at nakakaintindi ng kanilang sulat. Akin namang ipagmamalaki ang aming sariling Wika ang Tagalog o Filipino. Oo nga at di maiiwasang may halo pa ring English na ang tawag nga namin ay "Taglish" o pinag halong Tagalog at English.

Ang Pilipinas ay isang bansa na napakaraming wika, salamat na lang at may Tagalog na aming Pambansang wika, sapamamagitan nito ay nagkakaintindi ang iba't ibang tribu o bayan at probinsya ng aming Bansang Pilipinas.
Narito ang mga iba't ibang Wika ng Pilipinas ayon sa wikipedia : https://tl.wikipedia.org/wiki/Mga_wika_sa_Pilipinas

Tagalog: Wikang batayan ng Filipino. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa katimugang bahagi ng Luzon. Sinasalita ng 24% ng kabuuang bilang ng mga Pilipino sa buong kapuluan. Taal na gamit sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (kilala rin sa tawag na CALABARZON). Ginagamit rin ito sa mga lalawigan ng Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan (kilala rin sa tawag na MIMAROPA). Ito rin ang pangunahing wika ng Pambansang Punong Rehiyon na siyang kabisera ng bansa.
Ilokano: Kilala rin sa tawag na "Iloko." Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon lalo na sa kabuuan ng Rehiyon I at Rehiyon II, at ilang bahagi ng Rehiyon III.
Cebuano: Ang pinakakilala at pinakamalawig na wikang "Bisaya." Pangunahing wika ng lalawigan ng Cebu, Silangang Negros, Bohol, Leyte, Timog Leyte, at malaking bahagi ng Mindanao. Tinatayang sinasalita ng 27% ng kabuuang populasyon ng bansa.
Hiligaynon: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Ilonggo batay sa pinakakilalang diyalekto nito mula sa Lungsod ng Iloilo. Pangunahing wika ng Kanlurang Visayas lalo na sa Iloilo, Capiz, Guimaras, kabuuan ng Negros Occidental, at sa timog-silangang Mindanao tulad ng Lungsod ng Koronadal.
Waray: Isang wikang Bisaya na tinatawag ding Waray-Waray. Pangunahing wika ng Silangang Visayas partikular sa buong pulo ng Samar, hilagang-silangang Leyte, at ilang bahagi ng Biliran. Sinasalita sa Lungsod ng Tacloban.
Kapampangan: Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Gitnang Luzon partikular na sa Pampanga, timog Tarlac, at iilang bahagi ng Bulacan at Bataan.
Bikol: Pangunahing wika (lingua franca) ng mga naninirahan sa Tangway ng Bicol sa timog-silangang Luzon. Sinasalita sa mga lungsod ng Naga at Legazpi.
Pangasinan: Malimit ding tawagin sa maling pangalan na Panggalatok. Isa sa mga pangunahing wika ng Lalawigan ng Pangasinan.
Meranao: Isa sa mga pinakamalaking wika ng mga Moro. Pangunahing sinasalita sa Lungsod ng Marawi at buong Lanao del Sur, at ilang bahagi ng Lanao del Norte.
Maguindanao: Isang pangunahing wika ng mga Moro at ng Autonomous Region of Muslim Mindanao. Sinasalita sa Lungsod ng Cotabato.
Kinaray-a: Isang wikang Bisaya. Pangunahing sinasalita sa pulo ng Panay partikular sa Antique at ilang bahagi ng Lalawigan ng Capiz at Iloilo tulad ng Lungsod ng Passi.

Ito lamang ang mga malimit na ginagamit, haay napakarami talaga! Salamat na lang at may Tagalog o Filipino na syang ginagamit namin at nagkaka intindihan kami.

Subalit minsan nakakalungkot na sa makabago naming panahon, ay mas pinipili na ng ibang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak sa English. Marahil ito nga ay International na lenguahe...Andyan ang mga sumisikat na mga Pilipno Youtubers na mas ginagamit nila ay English, gaya ng magkakapatid na RenzKyle , Niana at Natalia...

Image source: https://www.facebook.com/marcoandreselorio/photos/a.1530693530281932/3494240177260581/?type=3&theater
Heto ang kanilang Vlog sa Youtube na sila'y nagtatagalog at nag E english, may mahigit Pitong Million na views.


Salamat at kahit papa ano ay nagamit din nila sa kanilang Vlogs ang wikang tagalog.

Hindi ko alam kung magkakaron ako ng Votes dito sa sulat ko na ito, pero ok lang kung wala at salamat din kung meron.
Salamat Steemit at may pagkakataon kami na mipagmalaki ang aming sariling wika.

Mabuhay at Pagpalain tayo ng Poong Maykapal!

TRANSLATION BY google translate:

What about Steemit?
I also haven't written in the Steemit world for a long time. But here I am and I'm coming back. It also took me a long time to leave the world of writing. So here I will try again, but this time it's my own language.

I am encouraged by those who write in their own language, just like the Koreans who only read and understand their letter. I would also be proud of our native language being Tagalog or Filipino. Of course it is inevitable that there is still an English mix that we call "Taglish" or a mixture of Tagalog and English.

The Philippines is a nation of many languages, thank you and Tagalog is our National language, through which the different tribes and towns and provinces of our Philippines are understood.
Here are the different languages ​​of the Philippines by wikipedia: https://en.wikipedia.org/wiki/Language_In_Pilipinas

Tagalog: Filipino language base. The main language of the inhabitants of the southern part of Central Luzon. It accounts for 24% of the total number of Filipinos in the entire archipelago. Used in the provinces of Cavite, Laguna, Bataan, Batangas, Rizal, Quezon (also known as CALABARZON). It is also used in the provinces of Mindoro, Marinduque, Romblon, and Palawan (also known as MIMAROPA). It is also the main language of the National Capital Region which is the nation's capital.
Ilokano: Also known as "Iloko." The main languages ​​of the inhabitants of Northern Luzon especially throughout Region I and Region II, and some parts of Region III.
Cebuano: The most well-known and most popular "Bisaya language." The main languages ​​of the province of Cebu, Eastern Negros, Bohol, Leyte, South Leyte, and large parts of Mindanao. About 27% of the country's total population is spoken.
Hiligaynon: A Bisaya language also called Ilonggo based on its most prominent dialect from the City of Iloilo. The main languages ​​of the Western Visayas especially Iloilo, Capiz, Guimaras, the whole of Negros Occidental, and southeastern Mindanao such as the City of Koronadal.
Waray: A Bisaya language also called Waray-Waray. Oriental languages ​​of Eastern Visayas specifically throughout the island of Samar, northeast Leyte, and some parts of Biliran. Spoken in the City of Tacloban.
Kapampangan: The main language of the inhabitants of Central Luzon especially in Pampanga, southern Tarlac, and some parts of Bulacan and Bataan.
Bicol: The main language (lingua franca) of the inhabitants of Bicol Peninsula in southeast Luzon. Spoken in the cities of Naga and Legazpi.
Pangasinan: It is also often called by the wrong name Potok. One of the main languages ​​of Pangasinan Province.
Meranao: One of the largest languages ​​of the Moors. It is spoken primarily in Marawi City and throughout Lanao del Sur, and some parts of Lanao del Norte.
Maguindanao: A basic language of the Moro and the Autonomous Region of Muslim Mindanao. Spoken in Cotabato City.
Citation: A Visible Language. Mainly spoken on the island of Panay specifically in Antique and some parts of Capiz and Iloilo Province such as the City of Passi.

These are the only commonly used ones, so there are so many! Thank you and we have Tagalog or Filipino that we use and understand.

But sometimes it's sad that in our modern age, other parents are more likely to choose to teach their children English. This is probably an International language ... And here are the rising Filipino Youtubers they use more English, such as brothers RenzKyle, Niana and Natalia ...
! [] ()
Image source: https://www.facebook.com/marcoandreselorio/photos/a.1530693530281932/3494240177260581/?type=3&theater
Here is their Youtube Vlog that they share in English and E english, with over Seven Million views.


Thanks and no matter what, they also use Tagalog in their Vlogs.

I don't know if I will get Votes here in this letter, but it's ok if not and thank you for that.
Thanks Steemit and we have the opportunity to be proud of our own language.

God Bless and Bless us!

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!