Bilang mga napiling hurado para sa round ng serye na ito, narito ang aming mga komento...
Red : Nadagdagan na naman ako ng mas marami pang katanungan. Pero baka sabik lamang ako sa kahihinatnan ng kwento kaya nagkakaroon ako ng mga palaisipan. Maaaring kambal nga ang dalawa pero gusto kong hanapan ng backstory si Ineng at kung bakit tila hindi alam ni Cila na kambal pala. Ambilis magkaroon ng change of heart ni Franko na ang kaulayaw lamang niya at pinagparausan, ngayon ay gigil niyang sinaktan at hinayaan ding saktan ng madrasta dahil lamang sa kambing. Sa pakiwari ko sa mga ganitong emosyon, mas dapat maging malambing si Franko sa dalaga upang makaulit muli at mapagbigyan ang tawag ng laman. May kaakibat talagang pagtataka at patung-patong na tanong kapag ang karakter ay kambal. Dahil nag-aalala rin kami na hindi naipunto ng naunang dalawang manunulat kung sino ba ang sino. Pero sa kabuuan ng sulatin, nasatisfy ako sa torture at paghihiganti na gustong ipadama ng manunulat.
Pinkish : Ahem! Nagustuhan ko ang paggamit ng wikang Español at ang pagsasalin. Nagustuhan ko ang angst na gustong ipakita ni Imeng. Nagustuhan ko ang pagiging foul-mouthed vengeful victim na karakter at ang baho ng bibig nito na namumutawi ang kagaspangan ng ugali at poot sa mga lumapastangan sa kanya. Natuon talaga ang atensyon ko sa torture scene. Ito ang pinakatumatak sa akin. Plus dialogue ni Imeng na punum-puno ng paghihiganti.
Dark : Akala ko typo error lang ung Imeng, kambal pala sila. Mas naunawaan ko na ngayon ang kwento. Kung ang kabrutalan ang nais ipadama ng may-akda sa kanyang sulatin, masasabi ko talaga na tagumpay niyang nakuha ang loob ko sa parteng iyon. Ang paglilitanya ni Imeng, ang pagganti niya at ang matalinong pagpaparusa at pagbabalik niya sa ginawa sa kanya. Pero lalo akong naguluhan sa karakter ni Ineng. Siya ba talaga ung pumapatay ng palaka, kambing at naglaro sa ulong pugot, o si Imeng? Medyo kailangang bigyang linaw ng huling manunulat para mas maintindihan namin at masundan nang maayos ang daloy ng kwento. Pero sigurado ako, si Ineng ang ginahasa ng ama, hindi si Imeng. Dahil may dugo pa na ebidensya ng unang karanasan nito. Samantalang si Imeng ay pinagpasa-pasahan na ng mga Kastila.
Medyo mahaba magpaliwanag ang tatlong hurado. Pero napagpasyahan nila na PASADO sa kanilang panlasa ang naisulat ng ikatlong kalahok sa Horror Serye.
Congratulations @chinitacharmer makakapagpahinga ka na muna
Antabayanan na lamang ang anunsyo sa discord na gagawin ni @lingling-ph
Maraming salamat po sa pagpuna sa aking mga strengths and weaknesses. Inaamin ko pong marami talagang loopholes (sa ngayon). Pero naniniwala akong mabibigyang kasagutan lahat ng aking ka teammate na si @czera ang mga katanungan sa inyong isip, base na rin sa inyong mga komento. :) Salamat po sa panahon at effort. :)
Downvoting a post can decrease pending rewards and make it less visible. Common reasons:
Submit