Noong una kong marinig ang salitang ito, akala ko ito ay isang uri ng virus o isang fungus o isang di kaaya-ayang nilalang at mabaho. Ngunit nakilala ko ang Pagbuo ng Tesis, akala ko gagawa kami ng mamagandang experimento na suot suot ang mga lab gown na may malalaking glass jars at magpapatubo ng mga kakaibang organismo. Pero yan ay nasa isip ko lang pala.
Ano nga ba ang tesis? Ito yong nakatuon ang pansin mo sa iyong akda. Kahit anong isulat mo sa buong papel mo, dapat ay nakasuporta at nabibigay ito ng lakas sa iyong tesis, kahit anong kotasyon o ebidensya na ilalagay mo sa iyong gawa ay dapat sumusuporta sa pangunahing punto o ideya na nasa iyong gawa. Ang tesis ay importante dahil nagpapakita ito ng mga argumento o mga pangunahing pukos sa iyong sinusulat.
Ang isang tesis ay hindi nagsasaad ng katotohanan, bagkos ang mga katotohanang mga salita ay dapat mong gamitin para maging makatotohanan ang iyong tesis. Gawing direkta ang iyong tesis, wag itong gawing malawak at di na naaabot ng isipan. Dapat ang iyong tesis ay napapahayag ng pantay. Dapat pumili ka ng isang papanigan ngunit dapat maging pantay ka sa dalawang panig. Gamitin ang mga katotohanan kung bakit mas naniniwala ka sa isang panig kaysa sa isang hindi mo pinili.
Paano kumuha ng Tesis? Pagpili ng Paksa
Image credit
May apat na basic na tanong na puwede mong itanong sa iyong sarili sa pagpili ng paksa:
- Ano ang gusto ko?
- Ano ang ikinagagalit ko?
- Ano ang mga impormasyon na itatama ko o no mga impormasyon na gusto kong ibigay?
- Ano ang mga problemang dapat masolusyonan?
Pag-draft ng Tesis Statement
Image credit
Pumili ng papanigan, di gusto ng iyong mambabasa na di mo alam kung saan ka talaga papanig na punto. Tandaan na ang tesis ay saklaw ang lahat ng pangunahing punto na gagamitin mo sa iyong pagsusulat.
Pagsulat ng Tesis Statement
Sa pagsusulat ng iyong tesis, ito ay dapat nakalagay sa hulihan ng iyong pambungad na talata at dapat lahat ng pangunahing punto na nakalagay dito ay klaro at alam kung saan ito tutungo sa piniling paksa.
Pagsuporta sa Tesis Statement
Maghanap ng mga kotasyon, mga artikulo at mga iba't ibang pagkukunan nga mga mahahalagang impormasyon. Ito ay mahalaga para magkaroon ng mga balidong suporta ang iyong tesis statement at ang paksa sa iyong akda. Kung di mo gustong gumamit nito, siguraduhing ang mga punto mo ay maaayos at naayon na may mga halimbawa o mga personal na karanasan.
Image credit
This is a translated post of @dragonslayer109's series of "Improve your writing". Translating it to Filipino makes it more comprehendable for Filipinos and will be very helpful for them in writing Filipino articles and blogs.