Unang Titig | orihinal na tula ni @joreneagustin

in hive-169461 •  3 years ago 

20220610_075417_0000.png

Paano ba tayo nagsimula?
Paano nga ulit tayo nagkakilala?
Naaalala mo pa ba?
hindi ko iyon inakala.

Na sa unang pagtatama
ng ating mga mata
ang dahilan kung
bakit nabuo,
ang ating pagkakaibigang
hindi ko inasahan pa.

Hindi ko mawari ang tingin
iyon ba talaga’y para sakin?
akala ko ako’y nagkamali lamang
paano? kung sa bawat sulyap
mga mata’y parang nag-uusap.

Hindi ito basta tingin lamang
na sa ilang segundo lang ay bibitaw
ang mga matang nagtatanong
kung bakit at anong dahilan.

Akala ko’y hanggang doon na lang
akala ko isa, dalawa o tatlong
titig lang
pero ako’y nagkamali…

ikay sakin ay lumapit
nagtanong,
’di na sa pamamagitan
ng ating mga mata
ngunit,
Ika’y pormal na nagpakilala.

sa unang pagkakataon
sa unang tingin, at unang pagpapakilala
Nagsimula ang pagkakaibigang di inakala
na sa unang titig nagsimula.

ngunit ngayon at kilala na kita
kabisado na ang mga tingin sa ‘yong nga mata
sa bawat kislap nito’y aking nababasa
naramdaman na di dapat sabihin pa.

hindi ko alam kung iyo din nadama
ang aking nararamdaman na…
pilit nang iniiwasan at pinipigilan
sapagkat ang nais ko lamang ay masalba ang ating pagkakaibigan.

ngunit paano kung sa bawat titig ng iyong mata
ipinaparamdam mong may kakaiba
hindi na bilang magkaibigan pa
pagkat alam kong ito’y iba na.

sa twing ako sayo’y napapatingin
ay ikay aking napapansin,
nakatitig ngunit iiwas din
mababalisa at di alam ang gagawin.

may paiwas-iwas na ng tingin
may patago tago na ng lihim
may distansya na sa pagitan natin
may nagawa ka bang mali sa akin?

ano bang nagyayari
hindi na ako mapakali
pwede bang bumalik na lang sa dati
iyong tayo’y parehong nakangiti.

paki-usap huwag naman mag-iwasan
huwag naman sirain ang pinagsamahan
kung bawat isa sa ‘tin ay alam ang dahilan:
ang rason kung bakit walang pansinan.

ano ba itong nararamdaman
tayo ba ay nagpapaligsahan
ikaw at ako’y nagpapagalingan
kung sinong mas magaling magtago ng nararamdaman?

Batid kong alam mo
Na sa bawat pagkakaibigang nabuo
Ito ang pinakaayaw ko
Iyong mawawasak at sa kalauna’y mawawala
Kaya pagkakaibigang ito nawa’y ating isalba.

Mamili ka,
Isantabi nalang kaya ang mga nararamdaman?
O di kaya’y aaminin na lang?
Para tayo’y di na muling maguluhan.

Sapagkat kung nararamdamang ito ang sisira sa ating pinagsamahan,
Handa ko itong talikuran.
Ngunit kung ikaw ay naghahangad ng higit pa sa pagkakaibigan,
Ibibigay ko naman iyon ng walang pag-aalinlangan.

Basta’t iyong ipangako
Na tayo’y hahantong hanggang dulo.
Na sa pinagsamahan walang magbabago
Sa tamis ng mga titig mo.

Hangad ko na ang unang titig
Matatapos at magwawagi
Na ang mga puso nati’y parehong pinipintig
Ang salitang: ‘kaibigan, mahal kita’
Nawa’y huwag nang lumisan pa’.

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

image.png

isa kang makata! keep it up!

Maraming salamat po sa inyong papuri 😊

welcome po!

ang galing sis! ramdam na ramdam ang feelings ng tula.

Salamat po 😊

Napakagandang tula!! Sarap talagang basahin ang mga tagalog poem. Salamat sa pagbahagi nito.

Thanks for reading po 😊

Hello,

We suggest you power up at least 50% of your earnings to have a higher chance of Booming recommendations and to be a qualified #Club5050 member.

Thank you!

Thank you po, I will do it later po 🙂

Thank you po, I will do it later po 🙂